Huwebes, Oktubre 6, 2011

Ako Bilang Isang Bagay

           Lunes ng gabi, napagpasyahan kong mahiga saglit para makapag-isip kung anong prajek ang uunahin kong gawin. Maya-maya, narinig kong tumunog ang cellphone ni nanay, ang sabi ko galing kay tatay – gagabihin daw umuwi at my miting. Noong nakita ko si bunso na may assignment, ako na ang nag-research sa internet. Si tita naman narinig kong umiyak at may kausap sa pamamagitan ko. Si Tetoy na first time magka-girlfriend, kahit tulog na, hawak pa rin ako, ako kasi ang tagapaghatid mensahe kay Aubrey.

            Namalayan ko na lang niyuyugyog ako ni nanay. Naku, nakatulog pala ako akala ko totoong naging cellphone ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na kailangan ako ng lahat at naibibigay ko ang kanilang pangangailangan. Pero tulad ng cellphone, pinahahalagahan rin ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Iniingatan at nagiging taga-parating at taga-tago ng mga impormasyon, depende sa siwasyon.

            Katulad ng cellphone, darating ang panahon na ako ay maluluma, rurupok at tuluyang mawawalan ng silbi. Pero sana, bago mangyari un, natapos ko ang lahat ng mga dapat kong gawin. Para mapalitn man ako, hindi naman malilimutan ng mga naiwan ko kung sino at ano ako-bilang tao.

            Ang sabi ko sa nanay ko, matutulog na muna ako, gisingin na lamang ako ng maaga kinabukasan. Pinatay ko ang ilaw, saka pumikit muli. Baka sakaling mas bonggang bagay naman ang mapaginipan ko.

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ako Bilang Isang Bagay

Lunes ng gabi, napagpasyahan kong mahiga saglit para makapag-isip kung anong prajek ang uunahin kong gawin. Maya-maya, narinig kong tumunog ang cellphone ni nanay, ang sabi ko galing kay tatay – gagabihin daw umuwi at my miting. Noong nakita ko si bunso na may assignment, ako na ang nag-research sa internet. Si tita naman narinig kong umiyak at may kausap sa pamamagitan ko. Si Tetoy na first time magka-girlfriend, kahit tulog na, hawak pa rin ako, ako kasi ang tagapaghatid mensahe kay aubrey.

            Namalayan ko na lang niyuyugyog ako ni nanay. Naku, nakatulog pala ako.akala ko totoong naging cellphone ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na kailangan ako ng lahat at naibibigay ko ang kanilang pangangailangan. Pero tulad ng cellphone, pinahahalagahan rin ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Iniingatan at nagiging taga-parating at taga-tago ng mga impormasyon, depende sa siwasyon.